𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗗𝗘𝗡𝗬-𝗧𝗢-𝗗𝗘𝗔𝗧𝗛 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗨𝗦𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗜 𝗣𝗔𝗖𝗤𝗨𝗜𝗔𝗢

𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗗𝗘𝗡𝗬-𝗧𝗢-𝗗𝗘𝗔𝗧𝗛 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗨𝗦𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗜 𝗣𝗔𝗖𝗤𝗨𝗜𝗔𝗢

Tahasang itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang akusasyon ni Senador Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyong pondo buhat sa ‘social amelioration program (SAP)’.

Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na handa ang ahensya na humarap sa anumang imbestigasyon ukol sa SAP fund.

“Nais din natin bigyan diin na wala pong nawawalang pondo hinggil sa SAP implementation,” ayon kay Dumlao.

Ipinaliwanag ng opisyal na noong Abril, tinapos na nila ang paggamit sa mga ‘financial service providers (FSPs) na naka-partner nila sa pamamahagi ng SAP. Ang natitirang pondo para sa mga benepisaryo ay ibinigay umano nila ‘manually’ lalo na sa mga nagkaroon ng isyung teknikal.

“Ang FSPs, kabilang ang Starpay, ay ni-liquidate lahat ng budget na kanilang natanggap. Anumang pondo kanilang natanggap ay ni-refund sa DSWD. It is now being distributed sa mga natitira pang SAP beneficiaries,” ayon kay Dumlao.

Leave a Reply

%d bloggers like this: