š—£š—›š—œš—Ÿš—œš—£š—£š—œš—”š—˜ š—–š—¢š—”š—¦š—§ š—šš—Øš—”š—„š——, š—£š—Øš— š—”š—Ÿš—”š—š š—¦š—” š—–š—›š—œš—”š—˜š—¦š—˜ š—™š—œš—¦š—›š—œš—”š—š š—•š—¢š—”š—§š—¦

š—£š—›š—œš—Ÿš—œš—£š—£š—œš—”š—˜ š—–š—¢š—”š—¦š—§ š—šš—Øš—”š—„š——, š—£š—Øš— š—”š—Ÿš—”š—š š—¦š—” š—–š—›š—œš—”š—˜š—¦š—˜ š—™š—œš—¦š—›š—œš—”š—š š—•š—¢š—”š—§š—¦

Nagpakita ng ngipin ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa China ngunit laban sa limang maliliit na Chinese fishing vessels at dalawang Vietnamese vessels na nangingisda sa may West Philippine Sea (WPS) sa may Palawan .

Sa ulat nitong Linggo ng PCG, matagumpay na naitaboy ng BRP Cabra (MRRV-4409) ang mga dayuhang sasakyang-pandagat nitong Hunyo 30 sa karagatan malapit sa Marie Louise Bank may 147 milya sa El Nido, Palawan.

Unang namonitor ng BRP Cabra ang pitong bangka sa pamamagitan ng radar at automatic identification system. Gamit ang kanilang Long Range Acoustic Device (LRAD), nagsagawa ng ‘radio challenge’ ang mga Pilipinong coast guard dahilan para magsialisan ang mga ito sa bisinidad.

Naiwan sa lugar ang 34 Pilipinong mangingisda na sakay ng F/B Xiroxira na mula sa San Jose, Occidental Mindoro na nasa maayos namang mga kundisyon.

Ayon sa mga mangingisda, sa kabila ng presensya ng mga dayuhan ay maayos naman silang nakapangingisda ngayon sa karagatan sa loob na ng dalawang linggo ng hindi sila itinataboy.

Leave a Reply

%d bloggers like this: