𝗬𝗒π—₯π— π—˜ π—žπ—’π—œπ—¦ ‘π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—¨π—šπ—”π—‘’ 𝗦𝗔 π—•π—”π—žπ—¨π—‘π—”

𝗬𝗒π—₯π— π—˜ π—žπ—’π—œπ—¦ ‘π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—¨π—šπ—”π—‘’ 𝗦𝗔 π—•π—”π—žπ—¨π—‘π—”

TILA itinutuloy ni Manila City Mayor Isko Moreno ang programa ng kaniyang tatay-tatayan sa showbiz na si German Moreno na “Walang Tulugan”.

Ito ay makaraang umpisahan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang magdamagang bakunahan para sa mga manggagawa na hindi kayang magtungo sa mga ‘vaccination sites’ tuwing araw dahil sa trabaho.

Sinimulan nitong alas-10 ng Linggo ng gabi at nagtapos ng alas-5 ng madaling araw ang bakunahan sa may Recto Avenue, Sta. Cruz.

Target nito ang mga kargador, tsuper, pahinante, pedicab driver, kuliglig driver, mga tindero ng isda, gulay, karne, mga nagbababa ng mga produkto kahit galing pa sila sa Hilagang Luzon, Gitnang Luzon at Katimugang Luzon.

Photo c/o Manila PIO

“Itong special vaccination na ito, ginawa po namin ito sa Recto para sa mga trabahador na hindi makapunta sa vaccination site tuwing araw dahil kailangan maghanap buhay,” ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno.

Target ng lokal na pamahalaan na mabakunahan ang 1,000 indibidwal nitong Linggo ng gabi at 1,000 pa nitong Lunes ng gabi hanggang Martes ng madaling araw.

Photo c/o Manila PIO

Leave a Reply

%d bloggers like this: