‘P6.6B PLUNDER’ NINA DUERTE AT GO, BINUHAY NI TRILLANES

‘P6.6B PLUNDER’ NINA DUERTE AT GO, BINUHAY NI TRILLANES

BINUHAY ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang akusasyon ng pandarambong kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go.

May kinalaman ito sa P6.6 bilyong halaga ng government contracts na nakuha ng mga construction firm na pag-aari ng ama at kapatid ni Go.

Ayon kay Trillanes batay sa mga dokumento mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Commission on Audit (COA), kabuuang 125 government infrastructure projects sa Davao City at Davao region na nagkakahalaga ng P4.89 bilyon ag nakuha ng CLTG Builders na pag-aari ng ama ng senador na si Desiderio Lim, mula lamang noong March 25 hanggang May 2018.

Bukod dito, nakuha rin ng CLTG builders ang 27 government infrastructure projects noong 2017 na nagkakahalaga ng P3.2 bilyon, kabilang na ang road widening projects mula sa P177 milyon hanggang P251 milyon bawat proyekto sa Davao City o Davao region.

“Ito ay maliwanag na patong-patong na kaso ng plunder na umaabot sa P6.6 billion pesos,” diin ni Trillanes sa kanyang YouTube video.

Tinawag ng dating senador ang episode ng kanyang Youtube video bilang “pagnanakaw ni Duterte at Bong Go sa kaban ng bayan”

Leave a Reply

%d bloggers like this: