RETRIEVAL OPS SA CRASHED SITE NG C130, TINAPOS NA…DEATH TOLL, UMABOT SA 50

RETRIEVAL OPS SA CRASHED SITE NG C130, TINAPOS NA…
DEATH TOLL, UMABOT SA 50

TINAPOS na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang retrieval operation sa crashed site ng C-130 cargo plane mh Philippine Air Force (PAF) sa Patikul, Sulu.

Sa pinakahuling report, kabuuang 50 indibidwal ang nasawi habang 53 iba ang sugatan sa tinaguriang isa sa ‘worst aviation accidents’ sa kasaysayan ng military.

Batay sa pahayag ng Department of National Defense (DND), accounted for na ang lahat ng 96 na sundalo na lulan ng C-130 cargo plane na may tail number 5125.

Bukod sa 47 na sundalo, tatlong sibilyan din ang namatay habang kabilang sa mga sugatan ag 49 tauhan ng Army at apat na sibilyan.

“All passengers, pilots and crew were retrieved. Meanwhile, the search for the black box of the crashed C130 is still ongoing,” pahayag ng DND.

Leave a Reply

%d bloggers like this: