𝗣𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗜𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥𝗦, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔

𝗣𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗜𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥𝗦, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔

Dahil umano sa paniniwala sa mga sabi-sabi at tsismis kontra sa bakuna, naging mababa ang bilang ng mga senior citizen sa Pilipinas na nagpapabakuna sa kabila ng pagiging epektibo nito kontra sa COVID-19 at sa masamang mga sintomas nito.

“Kulang pa ho sa paliwanag at balitaktakan. Marami pong kumakalat na mali-maling balita, hindi magandang balita,” ayon kay Dr. Nina Castillo-Carandang,miyembro ng DOH National Immunization Technical Advisory Group.

Sa datos ng DOH, nasa 736,519 o 8.90% lamang ng 8.27 milyong senior citizens ang ‘fully vaccinated’ na habang 2.42 milyon o 29.32% ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.

“Mas kumakalat ang chismis kaysa sa tama at siyentipikong tugon at impormasyon,” paliwanag ni Carandang sa dahilan kung bakit mababa ang tiwala ng mga senior citizens sa mga bakuna.

Sa ginawang survey sa 1,014 senior citizens, nasa 19 porsyento ang nagsabi na nag-aalala sila posibleng side effects ng bakuna habang 16 porsyento ang hindi tiyak na magpapabakuna dahil sa nakakarating sa kanilang mga negatibong balita ukol sa bakuna.

Nasa dalawang porsyento naman ang tahasang nagsabi na ayaw talaga nilang magpabakuna.

Leave a Reply

%d bloggers like this: