π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘, π—›π—œπ— π—¨π—žπ—œπ—‘π—š π— π—”π—šπ—œπ—‘π—š π—”π—šπ—₯π—œπ—£π—₯π—˜π—‘π—¨π—˜π—₯𝗦

π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘, π—›π—œπ— π—¨π—žπ—œπ—‘π—š π— π—”π—šπ—œπ—‘π—š π—”π—šπ—₯π—œπ—£π—₯π—˜π—‘π—¨π—˜π—₯𝗦

SUPORTADO ni Senadora Grace Poe ang programang Binhi ng Pag-asa (BNP) ng Department of Agriculture na naglalayong humimok sa mga kabataang maging bihasang agripreneurs sa pamamagitan ng pagbibigay ng capacity-building workshops at agricultural start-up kits.

Inilunsad ang programa noong Hunyo 30 na pagsusumikapang maabot ang 1,855 benepisyaryo sa 115 lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

Ang β€œBinhi” sa BNP ay punla o seedling na pangunahing kailangan upang makapagtanim ng pagkain tulad ng butil ng bigas na pangunahin sa hapag-kainan mga pamilyang Pilipino.

β€œSanhi ng tumatandang populasyon ng magsasaka, kailangan nating sanayin ang ating kabataan sa agrikultura at hikayatin silang maging susunod na henerasyon ng magbubukid,” saad ni Poe.

Ayon sa datos ng World Bank, patuloy na nababawasan ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura mula sa 37.11 porsiyento noong 2000 tungo sa 22.86 porsiyento nitong 2019.

β€œKung wala nang gustong magbungkal ng lupa sa kabataan, ano pa ang kakainin ng mga susunod na henerasyon?” diin ni Poe.

Unang inilunsad ang programa noong 2017 kung saan naging success story ng BNP ang mayabong na organic farms.

Isa dito ang isang iskolar na Cebuano na nagsimula sa isang pares ng native na manok at ilang baboy mula sa programa at ngayon ay may sarili na itong poultry business na sinabayan pa ng pagtatanim ng gulay.

Sa taong ito, ipatutupad ang BNP sa mga munisipyo sa Nueva Ecija, Albay, Camarines Sur, Aklan at Davao de Oro. Magsisimula ang provincial training sa Hulyo 27 at magtatapos sa isang summit sa unang linggo ng Nobyembre.

Naunang inihain ni Poe ang Senate Bill No. 127 o ang β€œTulong Kabataan sa Agrikultura Act of 2019” na naglalayong magbigay ng scholarship assistance at allowance sa estudyanteng kukuha ng kursong agriculture, fisheries, forestry at kahalintulad nito upang mapalakas ang partisipasyon ng kabataan sa sektor ng agrikultura.

Leave a Reply

%d bloggers like this: