π—£π—”π—šπ—•π—¨π—•π—¨π—žπ—”π—¦ π—‘π—š 𝗣𝗕𝗔, π—‘π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ 𝗑𝗔?

π—£π—”π—šπ—•π—¨π—•π—¨π—žπ—”π—¦ π—‘π—š 𝗣𝗕𝗔, π—‘π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ 𝗑𝗔?

HINIHINTAY na lang ng Philippine Basketball Association (PBA) ang go signal ng Inter Agency Task Force upang masimulan na ang Season 46, ngayong buwan.

Kinumpirma ni League commissioner Willie Marcial na nakipagpulong na siya sa technical working group (TWG) para plantsahin ang lahat ng kailangan upang mapayagan nang umarangkada ang PBA Season.

Sa ngayon anya ay nasa IATF court na ang desisyon at inaasahan nilang mailalabas ito sa Lunes.

“I presented yesterday to the IATF, the technical working group, so now, we’re just waiting for their decision,” giit ni Marcial.

“I think the decision will come this Monday at the latest but we’re positive with our presentation. We’re positive that the season will open within this month in NCR,” dagdag ng opisyal.

Plano ng organisasyon na gawin ang Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig o sa Ynares Center sa Antipolo City.

Gayunman, posibleng hindi pa rin mapayagan ang mga fans na manood sa venue.

Leave a Reply

%d bloggers like this: