‘𝗣𝗔π—₯π—§π—‘π—˜π—₯𝗦’ π—Ÿπ—”π—–π—¦π—’π—‘-𝗦𝗒𝗧𝗧𝗒, π—¦π—œπ—‘π—œπ— π—¨π—Ÿπ—”π—‘ 𝗑𝗔 π—”π—‘π—š π—–π—’π—‘π—¦π—¨π—Ÿπ—§π—”π—§π—œπ—©π—˜ 𝗧𝗒𝗨π—₯

‘𝗣𝗔π—₯π—§π—‘π—˜π—₯𝗦’ π—Ÿπ—”π—–π—¦π—’π—‘-𝗦𝗒𝗧𝗧𝗒, π—¦π—œπ—‘π—œπ— π—¨π—Ÿπ—”π—‘ 𝗑𝗔 π—”π—‘π—š π—–π—’π—‘π—¦π—¨π—Ÿπ—§π—”π—§π—œπ—©π—˜ 𝗧𝗒𝗨π—₯

SA GITNA ng mga impormasyong sasabak sa Presidential at Vice Presidential Race sa 2022, sinimulan na nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson nitong Huwebes ang kanilang ‘consultative tour’ sa Malolos, Bulacan.

Bago ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang lider sa Luzon, nagsimula ang araw ng dalawang senador sa panalangin sa Barasoian Church.

β€œStarted our journey for Luzon consultative tour with a prayer. Besides I go to church everyday anyway,” saad ni Sotto sa mensahe sa Senate Reporters.

Batay naman sa pahayag ng tanggapan ni Sotto, bahagai rin ng β€œTour of Luzon” ng dalawa na matukoy ang kondisyon ng bawat lokal na pamahalaan sa pagresponde sa COVID 19 at upang makakalap ng mga ideya para makarekober ang bansa.

Ikinukunsidera ng dalawa ang pagsabak sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections subalit wala pang pinal na desisyon sa kasalukuyan.

β€œWe’re looking at the solutions, and if they are doable,” diin ni Sotto.

Si Sotto ang kasalukuuang chairman ng Nationalist People’s Coalition (NPC) habang si Lacson ay nananatiling independent.

Leave a Reply

%d bloggers like this: