METRO MANILA ‘FLAT TRENDING’ NA SA COVID-19

METRO MANILA ‘FLAT TRENDING’ NA SA COVID-19

NAKAPAGTATALA na ng ‘flat trending’ ang Metro Manila, Davao at Bacolod City makaraang makapagtala ng mataas na bilang ng kaso sa mga nakalipas na linggo, ayon sa independent na OCTA Research Group.

Base sa COVID Act Now metrics, naitala ang ‘reproduction rate’ ng Metro Manila sa 0.91 buhat sa 0.90 mula pa noong Abril 21. Nangangahulugan ito na hindi nakapagtala ng mataas na pagbabago sa rehiyon sa mga nakalipas na linggo.

Nakitaan rin ng ‘flat trends’ sa Davao City, Bacolod City, Cagayan de Oro City, General Santos City, Baguio City at Calamba City.

Ngunit kasama pa rin ang Davao City, General Santos city at Baguio sa ‘high risk areas’ dahil sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanila. Kasama pa sa mga ‘high risk areas’ ang Tagum City at Santa Rosa City.

Nasa ‘moderate risk’ naman ang NCR, Bacolod City, Cebu City, Cagayan de Oro City at Calamba City.

Sa kabuuan, nasa ‘moderate risk’ ang buong Pilipinas makaraang makapagtala ng daily average na 5,243 kaso mula Hulyo 4-10. Mas mababa naman ito ng limang porsyento sa sinundang linggo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: