EDUCATION CRISIS, IPINADEDEKLARA SA BANSA

EDUCATION CRISIS, IPINADEDEKLARA SA BANSA

NAIS ni Vice President Leni Robredo na magdeklara ang gobyerno ng education crisis sa bansa upang agad matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante at guro na apektado ng COVID 19 pandemic.

Ginawa ni Robrero ang panukala kasunod ng World Bank study na nagpapakita na 80 percent ng Filipino students ang mas mababa pa sa minimum proficiency levels.

Samantala, atubili si Presidential Spokesman Harry Roque sa panawagan na ito ni Robredo.

Sinabi ni Roque na nasa kamay na ni Education Secretary Leonor Briones kung magdedeklara ng krisis.

“Hindi ko po alam kung kinakailangan ng deklarasyon ng crisis. Pero ang malinaw po, iyong sinasabi ng World Bank na tila poor tayo sa ilang mga subjects ay mali ‘no. At sila po ay humingi na po ng patawad, at tinanggap naman po ang apology ng DepEd,” paliwanag ni Roque.

Kasabay nito, muling nanindigan ang Malakanyang na mananatili ang blended learning policy habang patuloy pa ang pagbabakuna kontra Covid19.

Sa pinakahuling pahayag ni Roque, naninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa face-to-face classes kasunod na rin ng pagsulpot ng iba pang variant ng virus.

“Talagang mahirap po ang buhay natin dahil pandemya pa, habang hindi tayo nakaka-face-to-face. At mukhang tama naman po ang desisyon ng Presidente na habang hindi pa tumataas ang hanay ng mga bakunadong mga kababayan natin ay blended learning po muna tayo,” diin ni Roque.

Leave a Reply

%d bloggers like this: