SOTTO, LACSON, PABOR ISAMA SA CAMPAIGN EXPENSES ANG SOC MED ADS SIMULA OKTUBRE

SOTTO, LACSON, PABOR ISAMA SA CAMPAIGN EXPENSES ANG SOC MED ADS SIMULA OKTUBRE

PABOR sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa desisyon ng Commission on Election na ikunsiderang isama sa campaign expenses ang mga advertisement ng mga kandidato sa social media simula sa panahon ng paghahain ng kandidatura.

Sinabi ni Sotto na magandang hakbang ito upang malimitahan din ang gastos ng mga kandidato na handang magbuhos ng bilyong pondo sa kampanya.

“That’s a good move. The candidates with billions of campaign funds will be straightjacketed,” diin ni Sotto.

Iginiit naman ni Lacson na magiging patas lamang ito sa lahat dahil sa paghain ng Certificate of Candidacy, nangangahulugan na official candidate na ang isang indibidwal.

“That’s fair to everybody, especially those who have less campaign funds to use for campaign ads. Definitely a welcome development since it won’t put the administration candidates at an advantage since they are always presumed to have more than enough resources at their disposal,” diin ni Lacson.

Duda naman si Senador Imee Marcos sa desisyon ng Comelec na maaari anyang paglaban sa mga batas.

Ipinaliwanag ni Marcos na ang campaign period, alinsunod sa batas ay sa loob ng 90 araw bago ang araw ng halalan sa nasyunal at 45 araw sa mga lokal.

“Am perplexed by Comelec’s assertion, although they do have broad rule- making powers covering campaign finance,” saad ni Marcos.

“The SC also decriminalized premature campaigning. To consider expenses of those who filed COC in October is to say that they are already candidates, which is not the intent of our laws & may have serious implications later on,” babala ng lady senator.

Leave a Reply

%d bloggers like this: