DISQUALIFICATION CASE KAY YORME ISKO, NAKAUMANG?

HINDI lang si Senador Manny Pacquiao na isa sa presidentiable ngayon ang target ng demolisyon.
Pati pala si Manila Mayor Isko Moreno ay target ding siraan sa madla.
Diumano, isang video footage ang ilalabas kung saan ay isang konsehal ng Maynila ang nakipag-meeting umano sa isang contractor.
May dala umano itong isang bag na punung-puno ng pera. Pumasok ito sa opisina ni Konsehal na dala ang bag at paglabas ay wala na itong dalang bag kundi ang dala lang niya ay mga inaprubahang multi-milyon pisong kontrata.
Ang siste, may video rin daw si Konsehal na dala na nito ang bag na naunang kinunan ng video at sinabing pinaglagyan ng pera.
Hindi namin sinasabing totoo agad ang ganitong uri ng akusasyon dahil kahit tayo ay aminado na hindi pa natin  napapanood ang naturang video footage.
Gusto lang namin maunang ipaalam sa inyo na may mga ganitong uri ‘tsismis’ na ang umuugong sa labas.
Kung totoo man ang naturang video – o kung talagang totoong nagkaroon ng aregluhan para sa multi-million peso kontrata – abangan natin ang susunod na kabanata.
Alam ko rin na kayang sagutin o lusutan ito ni Mayor Isko na isa sa nangungunang presidential wannabe sa ngayon.
Dahil naniniwala kaming sa dumi ng pulitika sa bansa, hindi malayong magkatotoo na may iniuumang na ‘disqualification case’ laban kay Yorme Isko.
Sana lang manatiling plata-porma-de-gobyerno ang ihayag ng bawat kandidato at hindi iyong kanya-kanyang siraan. Totoo man iyan o hindi.
‘Di ba Manila Councilor Letlet Zarcal?###

Leave a Reply

%d bloggers like this: