KONGRESO, TODO HANDA NA SA HULING SONA NI PRRD

KONGRESO, TODO HANDA NA SA HULING SONA NI PRRD

NAGHAHANDA na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa huli at darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco partikular na inihanda nito ang website ng Kamara na nalalaman ng impormasyon sa SONA ng Pangulo kung saan kasama rin dito ang latest news and updates hinggil sa ikaanim at huling pagharap sa taumbayan ni Pangulong Duterte.

“President Duterte has actually accomplished a lot in the past five years he was in office, and this website will bear all those achievements,” sabi pa ni Velasco.

Sa mga darating aniyang panahon, ang website ng Kamara ay maglalaman ng Legislative Performance Report at mga speeches ng mga miyembro ng 18th Congress na naka-compiled sa isang libro na may pamagat na “In the Name of the People.”

Tatagal ang online platform ng isa at kalahating minutong video na inihanda ng nasa 200 district at partylist representatives na lumahok sa kampanyang “Sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo!” (A Pre-SONA Tribute by the 18th Congress).

“President Duterte deserves gratitude of all Filipinos for the many good things he has done for the country, including the string of landmark legislation that we never thought would be possible, as well as high impact programs and critical reforms aimed at improving the quality of life of Filipinos,” sabi pa ni Velasco.

Tinukoy ng House chief ang mga nagawa sa panahon ng termino ni Duterte tulad ng pagpasa sa universal health care, free tertiary education, expanded maternity leave, at free public internet access.

“At the height of the pandemic, Congress and the Executive worked together to produce pieces of legislation designed to help address and cushion the socioeconomic impact of the ongoing public health crisis, such as the Bayanihan laws, General Appropriations Act of 2021, and COVID-19 Vaccination Program Act,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: