𝗗𝗜𝗟𝗚, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗡𝗧𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗡𝗚 𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡

𝗗𝗜𝗟𝗚, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗡𝗧𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗡𝗚 𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡

NANANAWAGAN si Caloocan City Councilor Orvince Howard Hernandez sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na maglabas ng tamang panuntunan kung dapat nang payagan ang basketball sa kalsada.

Ang panawagan ay kasabay ng naunang pagpayag Inter-Agency Task Force na ibalik ang pisikal na aktibidad sa kabataan sa mga batang limang taong gulang pataas na pwede na ring lumabas ng kani-kanilang bahay sa kondisyong kasama ang magulang na nakakumpleto na rin ng dalawang bakuna.

Si Hernandez na siya ring Presidente ng Sangguniang Kabataan Federation ay humihingi ng tamang gabay para sa pagsasagawa ng iba’t ibang sports activities kasabay ng pagsunod pa rin sa health protocols.

Sa kanyang sulat kay DILG Caloocan City Director Marco Cabuenos, hiniling ng Milenyal na Konsehal na bigyan sila ng panuntunan sa pagsasagawa muli ng basketball, volleyball, badminton games, outdoor man o indoor venues.

“The physical activities of the youth like the popular basketball and other group socialization and interactions have been either stopped or limited based on guidelines of quarantine classifications,” pahayag ni Konsi Vince sa kanyang sulat.

Naniniwala ang batang konsehal na malaking bagay ang pagbabalik ng pisikal na aktibidad sa mga kabataan upang magpatuloy ang kanilang pakikisalamuha sa kanilang kapwa.

“Kumbinsido po tayo na kasabay ng pagsunod natin sa health protocols, kailangan din ng ating kabataan na maibalik unti-unti ang normal nilang pamumuhay, hindi lamang para sa development ng kanilang pangangatawan kundi maging sa malusog na isipan.

Kasabay din nito, muling hinimok ni Konsi Vince ang publiko na makiisa na sa vaccination program ng gobyerno upang makamit na ng bansa partikular ng lungsod ang population protection laban sa COVID 19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: