π—šπ—’π—’π—šπ—Ÿπ—˜, π—¬π—’π—¨π—§π—¨π—•π—˜ π—–π—›π—”π—‘π—‘π—˜π—Ÿπ—¦, π—žπ—œπ—‘π—”π—¦π—¨π—›π—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗗𝗒𝗝

π—šπ—’π—’π—šπ—Ÿπ—˜, π—¬π—’π—¨π—§π—¨π—•π—˜ π—–π—›π—”π—‘π—‘π—˜π—Ÿπ—¦, π—žπ—œπ—‘π—”π—¦π—¨π—›π—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗗𝗒𝗝

IPINAGHARAP ng kasong cybercrime ni Senador Francis β€œKiko” Pangilinan laban sa Google Philippines at sa dalawang YouTube channel owners na β€œStarlet” at β€œLatest Chika” kaugnay ng mga fake news at defamatory videos na inilalabas ng mga ito.

β€œAng pamilya ko ang buhay ko. Gagawin ko ang lahat para protektahan sila,” sabi ni Pangilinan na personal na dumulog sa Department of Justice (DOJ) para isampa ang kaso laban sa nasabing mga social media platforms.

Sinabi pa ng senador na makailang beses na itong sumulat at hiniling sa YouTube na tanggalin ang mga fake news at hindi totoong videos na inilalabas nito.

β€œHindi lang kami ang nakakaranas ng ganitong problema. Marami rin tayong mga kababayan na ilang beses nang nagreport ng mga mapanira na videos sa YouTube, pero wala silang aksyon,” giit pa ni Pangilinan.

Sa inihain nitong reklamo, tinukoy ni Pangilinan ang owner at service provider ng YouTube, Google na lumabag sa Philippine laws bilang foreign corporation na nagnenegosyo sa Pilipinas kung saan may pananagutan aniya si Bernadette Nacario, bilang country manager ng YouTube.

β€œThere is obviously a gap somewhere. This needs to stop. Social media sites need to step up and be more responsive to reports and more especially to legal complaints. These are harmful to individuals and to families,” dagdag nito.

Hiniling din ng senador ang tulong ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) para sabihin ng Starlet at Latest Chika ang impormasyon at relevant data nito at kumpiskahin ang lahat ng computer data nito upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasa likod ngΒ Β YouTube channel.

Una nito, noong Mayo 2021, ilang videos ang nakita sa Starlet at Latest Chika YouTube channels na iniulat na sinasaktan ng senador ang asawa nitong si Sharon Cuneta-Pangilinan at naghain ng kasong physical violence ng huli at anak nitong si KC Concepcion.

Sinabi ni Pangilinan na isinumbong na nito ang 82 fake at malicious YouTube videos sa YouTube, subalit sa 54 sa 82 videos ay hindi pa naaksyunan habang ang 28 pa ay ibinasura.

Leave a Reply

%d bloggers like this: