πŒπ€π˜πŽπ‘ πˆπ’πŠπŽ πŒπŽπ‘π„ππŽ, πˆππˆππ€πƒπ„πƒπ„πŠπ‹π€π‘π€ππ† πˆππ“π‘π€πŒπ”π‘πŽπ’ ππŽπ’π’

πŒπ€π˜πŽπ‘ πˆπ’πŠπŽ πŒπŽπ‘π„ππŽ, πˆππˆππ€πƒπ„πƒπ„πŠπ‹π€π‘π€ππ† πˆππ“π‘π€πŒπ”π‘πŽπ’ ππŽπ’π’

INIHAIN sa Kamara ang panukalang magtatalaga kay Manila City Mayor Francisco β€œIsko Moreno” Domagoso bilang pinuno ng ng Intramuros Administration (IA).

Layun ng House Bill 2592 ni House Deputy Speaker Lito Atienza na pamunuan ni Domagoso ang pag-aalaga sa makasaysayang 64-hectare walled district ng Intramuros, Manila na magdiriwang ng ika-500 taon ngayong 2021at sa iba pang national historical at cultural treasures na nasa paligid ng Maynila .

β€œCongress should give back to the mayor of Manila the responsibility of conserving Intramuros as well as other the national historical and cultural treasures within the city, in the spirit of local autonomy and decentralization,” sabi ni Atienza.

Taong 1979 nang huling pamunuan ng alkalde ng Manila ang Intramuros kung saan sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay binuo nito ang IA sa ilalim ng dating Ministry of Human Settlements na pinamunuan ng asawa nitong si Imelda Marcos para pangalagaan at pagsasaayos ng Intramuros bilang monumento ng Hispanic period of Philippine history.

At taong 1987 sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino ay inilipat ang IA sa pamumuno ng Department of Tourism (DOT).

Una nang inihain ni Atienza ang dalawang panukala, kabilang ang pagkuha ng Manila city government sa 58-hectare Rizal Park at sa 7-ektaryang Club Intramuros Golf Course na pinangangalagaan ng National Parks Development Committee at ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Leave a Reply

%d bloggers like this: