π‹π€ππƒππ€ππŠ 𝐀𝐓 𝐔𝐂𝐏𝐁 πŒπ„π‘π†π„π‘, ππˆππ€πˆπˆπŒππ„π’π“πˆπ†π€π‡π€π 𝐒𝐀 π’π„ππ€πƒπŽ

π‹π€ππƒππ€ππŠ 𝐀𝐓 𝐔𝐂𝐏𝐁 πŒπ„π‘π†π„π‘, ππˆππ€πˆπˆπŒππ„π’π“πˆπ†π€π‡π€π 𝐒𝐀 π’π„ππ€πƒπŽ

PINAIIMBESTIGAHANΒ  ni Senador Leila . de Lima sa Kongreso ang nakatakdang merger ng Landbank of the Philippines (Landbank) at United Coconut Planters Bank (UCPB) na hindi umano makakabuti sa kabuuan dahil sa agam-agam ng mga credible credit rating agency.

Β Inihain ni De Lima, chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, ang Senate Resolution (SR) No. 771 na humihiling sa kinuukulang Senate Committee na imbestigahan ang dalawang state-owned banks upang masiguro na hindi maabuso ang karapatan ng mga coconut farmers at ng mga Pinoy na sinserbisyuhan ng Landbank.

Β “It behooves upon the Senate to determine whether the Landbank’s absorptive capacity would allow it to carry the liabilities and obligations of UCPB without, or at least with very minimal impact, on the Filipinos its charter intends to cater and serve,” sabi nito.

β€œThe contrasting mandates of Landbank and UCPB should be reason enough to question, if not forthwith demand, the termination of the merger proceedings, as was done by the government when it halted the merger proceedings involving DBP and Landbank in 2016,” dagdag pa ni De Lima.

Noong Hunyo 25, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na nilagdaan ni PAngulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) 142 na nag-uutos na pag-isahin ang Landbank at UCPB.

Paliwanag ni De Lima, mismong ang American Agency Fitch Ratings ang nagsabi umanong ang Landbank-UCPB merger ay may nagatibong epekto sa credit profile ng Landbank.

Sinasabing may pagkakautang ang UCPB ng β‚±22B ngayong 2020 kung kaya’t ito ang malaking banta sa nasabing merger.

Dapat lang naman na bago ipatupad ang ganito kalaking hakbang na sangkot ang mga institusyon ng Estado, ay dumaan ito sa ibayong pagsusuri, lalo pa kung matunog ang mga pag-aaral sa posibleng negatibong epekto nito. Sa huli, hindi puwedeng ang mga magsasaka at mga kababayan nating nangangailangan na dapat naseserbisyuhan ng mga bangkong ito ang madehado, ” sabi pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: