SUPLAY NG OXYGEN, KAILANGAN NG PILIPINAS KONTRA DELTA VARIANT

SUPLAY NG OXYGEN, KAILANGAN NG PILIPINAS KONTRA DELTA VARIANT

KAILANGAN ngayon ng Pilipinas ng mas maraming suplay ng oxygen dahil sa pangamba na magkaroon rin dito sa bansa ng surge ng COVID-19 dulot ng Delta variant na nangyayari ngayon sa Indonesia.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula nang magkaroon ng surge sa India ay nakaalerto na sila at naghahanda na sa posibilidad na makarating ang Delta variant sa Pilipinas.

“Tayo po ay nagpre-prepare for this Delta variant. Sabi nga natin it’s just a matter of time bago makapasok… Currently our existing oxygen supply is sufficient but we need to add additional so that we can be more prepared,” ayon kay Vergeire.

Inihayag ng DOH na may 35 kaso na ng Delta variant sa bansa kabilang ang 11 na local cases. Patuloy na inaalam ngayon ng ahensya kung mayroon nang local transmission nito sa bansa.

“Our hospitals are now more guided that they should be expanding their beds already. Our local governments have been guided also they should intensify their PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) response,” ayon pa kay Vergeire.

Nagpahiwatig rin ang opisyal na magiging malaking ‘factor’ ang panuntunan sa ‘mobility’ o pagkilos ng tao sa pagkalat ng Delta variant.

Leave a Reply

%d bloggers like this: