YORME ISKO WALA PANG PLANO MAG-LOCKDOWN SA MAYNILA

YORME ISKO WALA PANG PLANO MAG-LOCKDOWN SA MAYNILA

WALA pang plano si  Manila City Mayor Isko Moreno na magpatupad ng ‘lockdown’ sa siyudad sa kanila ng pagtatala ng ng dalawang kaso ng Delta variant ng COVID-19 kung saan isa ang nasawi.

Ayon sa alkalde, ikinukunsidera pa rin niya ang epekto sa kabuhayan ng mga tao at ang posibilidad na maraming magugutom kung muling magpapatupad ng lockdown.

Sa halip naman na lockdown, sinabi ni Moreno na palalakasin pa nila ang kanilang isinasagawang COVID-19 vaccination upang maproteksiyunan ang mga mamamayan laban sa virus.

Nanindigan pa ang alkalde na ang bakuna kontra COVID-19 ang pinakamabuting solusyon sa ngayon, kasabay nang mahigpit na pagsunod ng bawat isa sa mga umiiral na health at safety protocols.

Tiniyak rin naman ni Moreno sa mga mamamayan na gagawa ang lokal na pamahalaan ng mga pamamaraan upang makakuha ng dagdag na supply na COVID-19 vaccines at magtuloy-tuloy ang bakunahan sa Maynila.

Kaya panawagan ni Moreno sa mga Manilenyo na huwag munang mag-alala sa lockdown dahil sa hindi pa niya ikinukunsidera ito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: