BUREAU OF CUSTOMS HINAHABOL NG COA SA P394-M GOODS AT LUXURY CARS

BUREAU OF CUSTOMS HINAHABOL NG COA SA P394-M GOODS AT LUXURY CARS

MULING nasa ‘hot water’ ang Bureau of Customs makaraang habulin sila ng Commission on Audit (COA) ang Bureau of Customs (BOC) sa P394 milyong halaga ng ‘imported goods’ kabilang ang ilang ‘luxury cars’ na inilabas sa Manila International Container Port (MICP) and Port of Manila (POM) ng hindi nagbabayad ng kaukulang mga buwis.

Ayon sa Audit Observation Memorandum (AOM), sinabi ng COA na aabot sa 246 ‘regulated commodities’ na may kabuuang halaga na P394 milyon ay naiproseso ng walang kaukulang ‘permits, licenses at clearances’.

Nasa P303.73 milyong halaga ng ‘imported regulated commodities’ ang na-‘assess’ at nailabas ng walang ‘license to operate, certificate of product registration at Electronic Authority to Release Imported Goods’.

Nagkakahalaga naman ng P90.27 milyon ang mga ‘imported luxury vehicles’ na na-assess at nailabas sa pier ng wala umanong mga permit at clearances.

Itinanggi naman ito ng BOC na iginiit na lahat ng produkto na inilabas sa POM ay isinailalim sa tamang assessment, duties at mga buwis na nakolekta.

Iginiit ng BOC-Accounting Division, na ang hindi pagre-remit ng Trust Funds ay pinapayagan ng mga batas at regulasyon ng Bureau of Treasury at ng Republic Act 10863 o ang CMTA Law.

Sinabi pa ng BOC na ang mga imported na sasakyan na binanggit ng COA Report ay nasa ilalim ng Super Green Lane (SGL) na pinapayagan na ilabas ang mga behikulo matapos na mabayaran ang itinakdang mga buwis.

Leave a Reply

%d bloggers like this: