INUMAN, PARTY SA BAHAY IPINAGBABAWAL

INUMAN, PARTY SA BAHAY IPINAGBABAWAL

NAIS ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na mahigpit na ipatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang polisiya na nagbabawal sa mga pagtitipon sa loob ng mga bahay kasunod ng banta ng Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ni Cayetano na mas nababahala siya sa mga pagititipong ito sa pagkalat ng virus kaysa sa pagpapalabas sa mga bata.

“I am appealing to the IATF to look closely na ‘yung mga kababayan natin to really avoid in the next weeks ‘yung household gathering,” ayon kay Cayetano.

Kabilang sa mga pagtitipon na patuloy na nangyayari ay ang selebrasyon ng mga okasyon tulad ng kaarawan, mga inuman, party, at iba pa na hindi nasasawata maging ng mga lokal na opisyal.

Ito ay sa kabila na ipinagbabawal ito sa ilalim ng ‘general community quarantine (GCQ)’ dahil sa katigasan ng ulo ng mga pamilya.

Hindi tulad ng mga aktibidad sa labas, mahirap na ma-monitor ang mga pagtitipon sa loob ng mga bahay na patuloy na tumatanggap ng mga bisita, dagdag pa ng alkalde.

Leave a Reply

%d bloggers like this: