MGA BATA STAY MUNA SA BAHAY- METRO MAYORS

MGA BATA STAY MUNA SA BAHAY- METRO MAYORS

NAIS ngayon ng mga alkalde ng Metro Manila na manatili pa rin sa loob ng mga bahay ang mga bata na may edad limang taon pataas kasunod ng banta ng mas mapanganib na Delta variant.

Sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council (MMC), na inirekomenda na nila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na bawiin muna ang resolusyon na nagpapalabas na sa mga bata sa mga ‘outdoor’ na lugar.

“Kahapon nagkaroon kami ng consensus ng mga mayors sa Metro Manila, lahat ng mga LGU ng National Capital Region na i-defer muna itong pagpapatupad ng 5-years old to 17 years old na papayagang lumabas ng kanilang tahanan,” ayon kay Olivarez.

“Ang recommendation ng ating Metro Manila Council, totally bawal muna po dahil nga po itong binabantayang Delta variant na alam naman po natin more contagious at transmissible,” dagdag niya.

Sang-ayon naman dito si Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, na nagsabi na sa kabila na mababa ang kaso ng COVID-19 sa mga bata, wala pa ring ‘exemption’ sa edad kung mahahawa ng Delta variant.

Leave a Reply

%d bloggers like this: