‘ALYAS BIKOY’ INISNAB ANG KORTE, IPINAAARESTO ULI

‘ALYAS BIKOY’ INISNAB ANG KORTE, IPINAAARESTO ULI

MULING ipinaaaresto ng Manila Metropolitan Trial Court ang kontrobersyal na si Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ dahil sa pagkabigo niya na makadalo sa pagbasak ng sakdal sa kinakaharap niyang kasong Perjury.

Binawi rin ni MeTC Branch 17 Judge Karla Funtillan-Abugan ang inilagak na piyansa ni Advincula. Naglabas muli ng warrant of arrest laban sa kaniya at dinoble pa ang piyansang P18,000 para muli siyang makakuha ng pansamantalang kalayaan.

“In view of the failure of the accused to appear in today’s hearing despite notice and upon motions of both the private prosecutor and public prosecutor, let the cash bail posted by accused Peter Joemel Advincula be forfeited and confiscated in favor of the government,” nakasaad sa isang pahinang kautusan ni Abugan.

Kinatawan si Advincula sa pagdinig ng kaniyang abogadong si Atty. Domingo Miguel Carillo na nagpakilalang mula sa law firm ni Atty. Larry Gadon.

Dumalo naman sa arraignment ang mga abogadong sina Attys. Chel Diokno, Ted Te at Erin Tanada na pawang mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG) na siyang naghain ng kaso laban kay Advincula.

Matatandaang ang mga naturang abogado ay nagsampa ng kasong perjury laban kay Advincula nang under oath ay akusahan sila nito na umano’y sangkot sa “Project Sodoma” o ouster plot kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng online videos na “Ang Totoong Narcolist.

Leave a Reply

%d bloggers like this: