DATING SEN JV EJERCITO, ATUBILI SA KANDIDATURA BILANG SENADOR

DATING SEN JV EJERCITO, ATUBILI SA KANDIDATURA BILANG SENADOR

AMINADO si dating Senador JV Ejercito na hindi pa siya desidido kung muling sasabak sa Senatorial race sa 2022. 
Ito ay dahil sa posibilidad na muli silang magkakasabay na kumandidato ng kanyang kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada.
“I still have to make a decision because of the complicated circumstance I am in again, I am very thankful nontheless,” saad ni Ejercito.
Sinabi ni JV na napatunayan na sa nakaraang eleksyon na mahirap ang laban kung magkasabay silang magkapatid.
Sa kabilang dako, nagpasalamat si Ejercito sa pag-eendorso sa kanya ni Senate President Tito Sotto at pagbilang sa posibleng line up ng Nationalist People’s Coalition.
“Would like to thank SP Tito Sotto for the trust and confidence for including me in the NPC line up.  It’s probably because we had a very good working relationship during the 17th Congress and probably my performance and unblemished track record was the main factor why I am being considered by SP Sotto and by President Duterte himself in his initial list,” diin ni Ejercito.
Bukod kay Ejercito, nagpasalamat din sina Senate Majority Leader Migz Zubiri at Senador Joel Villanueva sa endorsement ni Sotto.
“Im honored and humbled by the Senate President’s endorsement of my reelection bid. Nakita naman po nang ating Mahal na SP kung gaano po kami magtrabaho sa Senado na nagingibabaw sa aming grupo ang kapakanan nang taong bayan bago partido o sarili. Malaking karangalan po sa akin na maka kuha nang endorsement mula sa Nationalist Peoples Coalition bilang Senator sa kanilang line-up,” diin ni Zubiri. 
“Am so humbled and honored by the endorsement of SP Sotto and Sen Ping. Am sure it is not just because we have this special bonding kaming 3 as Andres Bonifacio club but because they have seen first hand our commitment and dedication when it comes to the work expected of a legislator,” pahayag naman ni Villanueva.

Leave a Reply

%d bloggers like this: