‘END OF ENDO BILL’ HINILING KAY PRRD NA GAWING ‘PRIORITY’

‘END OF ENDO BILL’ HINILING KAY PRRD NA GAWING ‘PRIORITY’

HINILING ng Department of Labor and Employment (DOLE) kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan na ‘urgent’ ang mga panukalang bagas na ‘Security of Tenure (SOT) at End of Endo Act’ na layong wakasan na ang kontraktuwalisasyon sa bansa.

“I just signed the letter addressed to our President recommending the issuance of certification for the anti-endo bill (as urgent), pending before the Senate,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa Laging Handa briefing.

Ayon kay Bello, handa na umanong pirmahan ito ni Duterte noong 2019 makaraang pumasa sa Kongreso at Senado nang gawin niyang priority bill ngunit nauwi sa pag-vetoe nang magprotesta umano ang ilang labor groups.

“He is ready to sign the law but some labor groups have protested, they do not like the endo bill that was passed by Congress, on that basis our President vetoed it,” paliwanag ni Bello.

Sa kabila nito, inamin ni Bello na halos kapareho rin ang kasalukuyang mga bill na ipinapa-prayoridad niya sa Pangulo maliban sa depinisyon kung ano ang maaaring ipakontrata ng mga employers.

Leave a Reply

%d bloggers like this: