REELECTION BID SA 2022, KINUMPIRMA NI DE LIMA

REELECTION BID SA 2022, KINUMPIRMA NI DE LIMA

KINUMPIRMA ni Senador Leila de Lima na muli siyang sasabak sa 2022 Senatorial Elections.
Sinabi ni de Lima na ang naranasang political persecution sa kanya ng Duterte administration ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa kanyang mga adbokasiya.
Dahil anya sa kanyang hindi makatarungang pagkakakulong, mas naniniwala siya na kailangang isulong ang laban sa injustice at ipagtanggo ang human rights.
Sa kanyang open letter para kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni de Lima na bigo ang administrasyon na tuparin ang mga pangako nito noong kampanya partikular ang kampanya laban sa droga, katiwalian at maging sa West Philippine Sea at sa ekonomiya.
Iginiit ng senadora na an kampanya ni Duterte sa droga ay nakapokus lamang sa small time drug dealers at bigong sugputin ang big time drug lords.
Habang sa kampanya anya kontra katiwalian ay kabaligtaran ang nangyari dahil pinagpiyestahan pa ang kaban ng bayan sa halip na gamitin ito sa mga prayoridad na programa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: