SOTTO, HINDI MAGPAPATINAG SA MAKAKALABAN SA VICE PRESIDENTIAL RACE

SOTTO, HINDI MAGPAPATINAG SA MAKAKALABAN SA VICE PRESIDENTIAL RACE

HINDI magpapatinag si Senate President Vicente Sotto III kahit sa Pangulong Rodrigo Duterte ang makakalaban nito para sa posisyon sa ikalawang pangulo ng bansa sa darating na 2022 national elections.

Ayon kay Sotto, tanging ang track record nito at mga ilalatag na programa sa bansa ang magiging sandata nito kung sino man ang makakalaban sa magtatangkang tumakbo sa vice president position.

“Ako naman hindi ko iisipin kung sino-sino ang iba pang magtatangka na tumakbo sa pag-pangalawang pangulo. Basta ‘yung akin, io-offer ko ‘yung aming programa, io-offer ko ‘yung sarili ko, io-offer ko ‘yung track record ko,” sabi ni Sotto.

Ilalatag aniya nito at ni Senador Panfilo Lacson, na tatakbong Pangulo sa susunod na eleksyon ang katagang KKK o Kakayanan, Katapatan, at Katapangan.

Sinabi pa ni Sotto na batid nila ni Lacson na sa kabila ng maraming problema na kinakaharap ang bansa tulad ng COVID-10 virus ay nagdesisyon ang mga ito na tumakbo sa eleksyon dahil na rin sa may naiisip ang mga itong programa para sa kinabukasan ng bansa.

“Kung ang tingin, maganda ‘yung programa namin, io-offer namin sa taongbayan. Hindi sa we are trying to seek the position, hindi ganoong kadali eh. Hindi basta gusto mo, hindi ganoon eh. Io-offer namin ‘yung aming programa para sa ika nga ay kinabukasan ng bansa. Ganoon ‘yung thinking naming,” paliwanag pa ni Sotto.

Umaasa aniya ito na susuportahan ito ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa kandidatura nito dahil sa matagal na itong miyembro ng nasabing partido.

“Definitely, I will be surely nominated by the Nationalist People’s Coalition. Now the Reporma Party, Sen. Lacson but I am consulting with my colleagues, aming party mates, at malalaman natin kung ano ang magiging consensus nila,” ayon pa sa lider ng Senado.

Sa darating na Agosto 4 ay magkakaroon aniya ng official announcement ang NPC kung saan kasama rin sa national consensus meeting Reporma ni Gen. De Villa, Speaker Bebot Alvarez na nagtutulak kay Lacson na tumakbo bilang Pangulo ng bansa.

Maliban dito ay nariyan din aniya ang Aksiyon Demokratiko na mga kaibigan nina Sotto at Lacson na kasama rin nila sa pakikipaglaban sa kurapsyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: