MAY BUDOL-BUDOL DIN SA SAP

ATTENTION sa mga residente ng Caloocan, partikular na sa Barangay 171, Bagumbong!
May 90 tayong kababayan diyan ang tahasang NABUDOL ng SAP!
Tama ang terminong nabasa n’yo, NABUDOL dahil ang 90 kababayan nating ito ay ninakawan ng tig-P8,000 na ayuda mula sa national government!
Ninakawan kasi kasama sila sa mga nabigyan ng tig-P8,000 pero may ibang tao na kumuha ng kani-kanilang pera!
Nangyari ito noon pang buwan ng April, 2021 na dapat sana’y sa unang tranche ng SAP beneficiaries.
Isang malapit na tauhan ni Barangay Captain Romy Rivera ang nakakuha umano ng QR Code ng ating mga SAP beneficiaries.
Kakuntsaba ng tao ni Kap Romy ang empleyado ng ML Lhuillier sa Gulod, Novaliches basta ang usapan nila ay P500 sa naturang ‘remittance center’ at P7,500 naman ang para sa tao ni Kapitan.
Kung gagamit tayo ng ‘calculator’ at gagawa ng simpleng ‘multiplication,’ ibig sabihin sa  90 residente ng Bgy. Bagumbong ang ninakawan, umaabot sa  P720,000 ang nakulimbat ng tao ni Kap.
Ang kuwentong ito ay alam na alam ni Mayor Oca Malapitan, pero sa hindi malamang dahilan ay pilit itong itinatago sa media at taumbayan.
Para makumpirma ng mga taga-Bagumbong na hindi tayo naglalabas ng basta tsismis, dapat nating tanungin Barangay Secretary Christine Susano, Bgy. Administrator Josephine Doctor at ang mga barangay staff na sina Jennifer Gonzales and Jobert Escarmuela.
Sabi ng ating source sa Caloocan City Hall, may binuong ‘grievance committee’ noon ding buwan ng April. Pero tatlong buwan na po ang nakalipas, wala man lamang tayong nabalitaan na nakulong at nakasuhan.
Si Kapitan Romy ‘nga pala ang tinaguriang Kapitan Gubat kasi siya iyong sinuspindi (kunwari) ng kulang isang buwan dahil sa ‘super spreader event’ na nangyari sa Gubat sa Ciudad noong nagdaang Mother’s Day.
Hindi natapos ni Kap Romy ang 60-day preventive suspension na ipinataw sa kanya ng Sangguniang Panglungsod dahil tulad ng ipinagmamalaki niya sa ginagawang pagpupulong, ‘mayroon siyang alas’ kaya hindi siya puwedeng bitawan ni Mayor Oca.
Ang masaklap nito, kamakailan, isang SK chairman at mga kagawad nito ang sinuspindi rin ng Sanggunian dahil nagpalaro lang ito ng basketball sa kanilang barangay.
Kung ikukumpara ang simpleng basketball sa barangay, hamak na mas malaki ang nilabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) ng ‘super spreader event’ sa Gubat sa Ciudad.
Alam n’yo ba kung bakit ang mga kabataang nagpabasketball lang ay higit ay sinuspindi na, pero si Kapitan Gubat ay inabsuwelto agad, sina SK officials daw kasi ay malalapit kay Congressman Egay Erice na makakalaban ng anak ni Mayor Oca na si Congressman Atong Malapitan.
Ang nakapagtataka lang, bakit tahimik din ang kampo ni Erice tungkol sa anomalya sa SAP?
Nasaan ang pagiging oposisyon ng Team Blue na dating Kulay Dilaw?

Leave a Reply

%d bloggers like this: