VAT SA PRODUKTONG PETROLYO, PINASUSUSPINDE

VAT SA PRODUKTONG PETROLYO, PINASUSUSPINDE

ISINUSULONG ni Senadora Imee Marcos ang panukala na magbibigay kapangyarihan sa Pangulo ng bansa na ibaba o suspindihin ang pagpapataw ng Value-Added Tax sa mga produktong petrolyo sa loob ng isang taon, sa panahon ng national emergency o state of calamity.

Sa kanyang Senate Bill 2320, sinabi ni Marcos na dahil sa COVID 19 pandemic, maraming Pinoy ang naapektuhan ang kabuhayan at pinatindi pa ang paghihirap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kahit hindi pa nakakabangon sa krisis.

Simula anya nang ipatupad ang Train Law, patuloy din ang pagtaas ng presyo ng oil products na may domino effect sa presyo ng pangunahing pangangailangan at serbisyo.

Bunsod nito, iginiit ni Marcos na panahon nang magkaroon ng dipensa ang mga mamamayan sa mataas na presyo ng mga bilihin sa panahon ng kalamidad upang matiyak din ang kanilang pagbangon.

Sa kanyang panukala, aamendahan ang National Internal Revenue Code of 1997 at ilalagay ang probisyon na ng karagdagang kapangyarihan sa Pangulo.

Bukod sa ipinapataw na VAT sa oil products, bibigyan din ng kapangyarihan ang Pangulo na ibaba o suspindihin ang ipinapataw na buwis sa importation ng petroleum products sa panahon ng kalamidad.

Leave a Reply

%d bloggers like this: