VM BASTE DUTERTE, POSITIBO SA COVID19

VM BASTE DUTERTE, POSITIBO SA COVID19

KINUMPIRMA ni Davao City Mayor Sara Duterte na nagpositibo sa COVID19 ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Sinabi ni Mayor Sara na ‘online’ meeting na lamang ang nagagawa ng kanilang pamilya dahil sa pagpositibo sa virus ng kanilang nakababatang kapatid.

Umaasa naman ang alkalde na agad na makakarekober si VM Baste sa kanyang karamdaman.

Hindi naman idinetalye ni Mayor Sara kung saan nakuha ng bise alkalde ang virus at kung anong sintomas ang naramdaman nito.

Ang kumpirmasyon ng sakit ni bise alkalde ay ginawa ni Mayor Sara matapos na rin nitong ipost ang screenshot ng video call ng kanilang pamilya kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte, dating asawang si Elizabeth Zimmerman, Davao City 1st District Representative Paulo “Pulong,” at Sebastian.

Leave a Reply

%d bloggers like this: