INSENTIBO SA MGA ATLETANG SASABAK SA TOKYO OLYMPICS, PINADARAGDAGAN

INSENTIBO SA MGA ATLETANG SASABAK SA TOKYO OLYMPICS, PINADARAGDAGAN

Magandang balita para sa mga Pinoy athletes na nakatakdang lumahok sa Tokyo Olympics at Paralympics.

Ito ay makaraang sabihin ni Senador Christopher “Bong” Go na madadagdagan ang allowances at insentibo ng mga Pinoy atletes base na rin sa hiling ng Philippine Sports Commission.

“Nagpapasalamat po tayo sa mahal na Pangulo, sa Office of the President, dahil inaprubahan nila ang ating apela na dagdagan ang allowances ng ating mga atleta na lalahok sa Tokyo Olympics and Paralympics,” sabi ni Go.

“Ako, ine-expect ko na makakuha tayo ng ginto. We wish them good luck at ako naman po ay tiwalang kakayanin nating manalo at makakuha ng ating inaasam na gold medal para sa ating bayan. Dito lang po kami nagbibigay ng full support sa ating mga atleta,” dagdag pa nito.

Inaprubahan na umano ni Pangulong Duterte ang P100,000 na additional allowance.

Nabatid na 19 Pinoy athletes ang nakapasa sa Olympics sa Tokyo, Japan na gaganapin sa Hulyo 23 hanggang Setyembre 8 at limang Filipino Paralympians na kuwalipikada para lumahok sa Paralympics sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10699, ang sinumang atleta na mag-uuwi ng gold medal sa Olympic ay makakatanggap ng P10M habang P5M naman sa silver medal; at P2M sa bronze medal.

Samantalang sa Paralympic, ang makakakuha ng gintong medalya ay tatanggap ng P5M, P2.5M sa silver medal; at P1M sa bronze medal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: