LIMANG LEDAC BILLS, PRAYORIDAD NG KAMARA

LIMANG LEDAC BILLS, PRAYORIDAD NG KAMARA

Limang panukalang batas ang uunahin ng Kamara na tatalakayin na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa pagbabalik ng mga kongresista sa susunod na sesyon matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco kung saan kabilang sa mga mahahalagang panukala na tatalakayin ang Philippine Virology Institute Act, Center for Disease Control Act, Amendments to the Continuing Professional Development Act of 2016, Bureau of Immigration Modernization Act, at National Housing Development Act.

“We will work toward the approval of these bills once we resume session and we will also take into account the priority measures President Duterte will mention in his sixth and final SONA. We will do our best to help the President fulfill all his promises to the Filipino people,” sabi pa ni Velasco.

Noong 2020 SONA aniya ni Pangulong Duterte, hiniling nito sa Kongreso na amiyendahan ang Continuing Professional Development Act of 2016, na nag-oobliga sa mga Filipino professionals na kumuha ng dagdag na formal at non-formal learning bago mag-renews ng kanilang lisensya at identification cards.

Ipinagmalaki rin ni Velasco na noong nakaraang taon ay naipasa ng Kamara ang priority bills ng Pangulo, na tuluyang naging batas tulad ng Corporate Recovery and Tax Incentive for Enterprises (CREATE) Act, Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act, Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, at Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2.

“We in the House have actually passed a lot of the priority bills of the President, some of which are under deliberation in the Senate,” ayon pa kay Velasco.

Nanawagan naman ito sa Senado na ipasa na nito ang Internet Transactions Act at ang pagtatatag ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos na ipinasa ng Kamara.

 “We need the Internet Transactions Act mainly because of all the online transactions that are happening right now, and it would actually lead to the protection of consumers and the buying public online,” sabi ni Velasco.

Leave a Reply

%d bloggers like this: