SMUGGLED GOODS DUMAGSA SA PILIPINAS NGAYONG PANDEMYA; ANO NA BOC?

SMUGGLED GOODS DUMAGSA SA PILIPINAS NGAYONG PANDEMYA; ANO NA BOC?

ISANG ‘praise release’ ang inilabas nitong Hulyo 23 ng Bureau of Customs (BOC) ukol sa P2.3-bilyon (BILYON ha hindi milyon) na halaga ng imported at branded ngunit peke umanong mga damit na inismagel papasok sa bansa ngunit natukoy sa isang bodega sa Maysan, Valenzuela City.

Habang malaking accomplishment ito sa BOC at mga kasapakat..este kasamang govt. agencies, nakapagtataka na ang ganitong kalaking halaga ng shipment ay nagawang makalusot sa Manila International Container Port (MICP) at natukoy na nang nasa bodega na.

Nakumpiska ang items pero walang sinabi kung may kinasuhan sa naturang ‘praise release’.

Magaling di ba? Is there something fishy going over here?

********

Pero teka, tumingin ka sa bawat busy street sa Metro Manila. Makikita natin na kabi-kabila pa rin ang mga ‘ukay-ukay shop’. Kapag magtungo ka naman sa Baclaran o sa Divi, hindi ba’t napakaraming ibinibenta na imported surplus daw na galing pa daw sa Cambodia pero mga Chinese ang may-ari ng mga shop?

Pati mga private cars, makikita natin na ginagawang tindahan ng mga surplus t-shirts na mabibili mula P150-P250 depende sa brand.  Nakabili pa nga ako ng isa eh.

So ano ang pinagsasabi ng BOC na maigting ang kanilang kampanya laban sa pagpasok ng mga ‘illegal goods’ sa merkado eh nasa merkado na nga!

********

May surot rin na nagbulong sa atin na patuloy pa rin ang sistema ng ‘lihim na bidding’ diyan sa Port Area. Mula P200K as high as P5-M ang bidding depende sa goods na nasa loob ng container van. May mga RTWs, electronic items at kahit na mga imported na seafoods.

Baka naman diyan galing ang mga nagkalat na ukay-ukay o ‘pekeng branded shirts’ na nagkalat sa merkado?

Leave a Reply

%d bloggers like this: