EX-VP BINAY, PASOK NA SA SENATORIAL LINE UP NG LACSON-SOTTO TANDEM

EX-VP BINAY, PASOK NA SA SENATORIAL LINE UP NG LACSON-SOTTO TANDEM

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na kasama na sa Senatorial line up ng Lacson-Sotto tandem si dating Vice President Jejomar Binay. 
Sinabi ni Sotto na matapos ang kanilang pulong nitong Sabado sa pangulo ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Binay ay pumayag na siyang mapasama sa kanilang Senatorial line up.
Sa naunang press briefing ni Sotto nitong Huwebes, sinabi niya na may kinakausap silang isang beteranong pulitiko para sa kumandidato bilang senador sa ilalim ng kanilang tandem.
Idinagdag ng lider ng Senado na mayroon na rin silang target para sa isa pang slot sa kanilang line up para sa 2022 National and Local Elections.
Una nang kinumpirma ni Sotto na kasama sa kanilang line up sina dating Senador JV Ejercito, Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, Senador Sherwin Gatchalian, Senador Richard Gordon, DICT Secretary Gringo Honasan, dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, Antique  Rep. Loren Legarda, Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, Senador Joel Villanueva at Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Sina Ejercito, Gatchalian at Legarda ay miyembro ng Nationalist People’s Coalition na pinangungunahan ni Sotto

Leave a Reply

%d bloggers like this: