SOTTO, 2 BESES PINAGTANGKAANG IKUDETA

SOTTO, 2 BESES PINAGTANGKAANG IKUDETA

KINUMPIRMA ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na dalawang beses pinagtangkaang ikudeta si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III bilang lider ng Senado.
Sinabi ni Lacson na ang pinakahuli ay dahil sa deklarasyon ni Sotto na kakandidato ito bilang Vice President sa 2022 Elections.
“Lumabas ang information na merong gustong magpakalat ng resolution para palitan siya (Sotto),” saad ni Lacson.
“May information na dumating sa kanya (Sotto), ako rin nagulat, meron gumagalaw sa mga kasamahan namin para palitan siya. May gustong magpaikot ng resolution para sa signature. Tinitignan kung aabot ng 13. Kami naman nagbilang-bilang din kami mahihirapan naman makakuha ng 13 signatures,” diin pa ni Lacson.
Tumanggi naman si Lacson na tukuyin pa kung sino ang nasa likod ng pagtatangkang palitan si Sotto bilang Senate President subalit sinabing mula ito sa majority bloc.
“Alam naman nila kung sino yun. Kung kaya nila numero, nasa demokrasya tayo, kung makakuha sila ng 13, baba si SP,” dagdag ng senador.
“As of now, hindi nagmaterialized,” diin pa ni Lacson na ayon sa kanya ay ikalawang pagtatangka na laban kay Sotto.
“Pangalawang attempt na yan. Hindi ba nabulyawan pa si Senator (Manny) Pacquiao kasi nagpapakalat pa ng resolution si Pacquiao bilang suporta kay SP Sotto,” dagdag nito.
Sa ngayon, wala anya silang nakikitang panganib na muling pagtatangkaan ang liderato ng Senado.
“Maganda naman palakad niya. Ewan ko bakit may nag-iisip na siya ay palitan,” dagdag ni Lacson

Leave a Reply

%d bloggers like this: