SOTTO, NAGPASALAMAT SA ‘ENDORSEMENT’ NI PRRD SA SONA

SOTTO, NAGPASALAMAT SA ‘ENDORSEMENT’ NI PRRD SA SONA

NAGPASALAMAT si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa tila endorsement sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikaanim at huling State of the Nation Address, nitong Lunes.
Nabanggit ni Pangulong Duterte si Sotto sa SONA nang mapadako na ang kanyang talumpati sa kampanya laban sa droga.
“With due respect to Senate President Sotto, he is a good man, he can become a good vice president,” saad ni Duterte. “Senator Sotto, who is running for vice presidency, is a good man and a good Pilipino,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.
Agad namang nagpahatid ng pasasalamat ang lider ng Senado. “I am humbled by the words of the President. I thank him profusely for mentioning me,” pahayag ni Sotto sa Viber message sa Senate Media.
Ito ang pangalawang beses na binanggit ni Duteter ang kandidatura ni Sotto.
Ang una ay nang tawagi niya si Sotto bilang Vice President sa inspeksyon ng Clark International Airport.

Leave a Reply

%d bloggers like this: