GORDON, POSITIBO SA COVID 19

GORDON, POSITIBO SA COVID 19

KINUMPIRMA ni Senador Richard Gordon na nagpositibo siya sa COVID-19 kahit fully vaccinated na siya ng Astra Zeneca.
Gayunman, iginiit nito na asymptomatic siya o walang nararamdamang kahit anong sintomas.
“Regular nagpapa-test ako. Asymptomatic ako. Kaagad nag-isolate na ako. Ako ay nasa bahay ngayon,” saad ni Gordon sa panayam ng DZXL RMN Manila.
Sinabi ni Gordon na naka-dalawang dose na siya ng Astra Zeneca kaya’t tiwala siyang hindi na lalala ang kanyang sitwasyon.
Gayunman, pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpa-check up upang matiyak ang lagay ng kanyang kalusugan lalo na’t mayroong Delta variant na kinatatakutan sa bansa.
Tiniyak din ni Gordon na negatibo ang kanyang maybahay at mga staff subalit makalipas ang tatlong araw ay muli anyang magpapatest ang mga ito

Leave a Reply

%d bloggers like this: