LOCKDOWN MULI SA MAYNILA?

LOCKDOWN MULI SA MAYNILA?

NAGHAHANDA na ngayon ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa posibleng pagpapatupad ng panibagong lockdown upang maampat ang kumakalat na mga kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ito ay makaraan ang ipinatawag na pulong ni Manila City Mayor Isko Moreno kasama sina Vice-Mayor Honey Lacuna at ibang matataas na opisyal ng lokal na pamahalaan kahapon kung kailan pinag-usapan ang mga aksyon laban sa Delta variant.

Binilinan ni Moreno ang kanilang Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, Manila Barangay Bureau, at ang Manila Police Department na alertuhin ang kanilang mga tauhan sa oras na mangailangan na magpatupad ng agarang ‘granular lockdown’.

Kabilang rin sa inalerto ang mga direktor ng anim na district hospitals, Manila COVID-19 Field Hospital, at ang Manila Health Department sa oras na muling magkaroon ng panibagong ‘surge’ sa COVID-19 cases.

“Ayaw na nating marinig na may mga namatay sa parking lot dahil wala nang space sa ospital. Grabeng dagdag pasakit ‘yun,” ayon kay Moreno.

“The City of Manila has actually been preparing for the worst case scenario over the past few months. Kahit nung hindi pa nagka-surge, we have kept on adding to our quarantine facilities and other resources in response to the pandemic. Hindi talaga dapat maging kampante,” paliwanag pa niya.

Nabatid na 25 sa 72 kaso ng Delta variant ang natukoy sa Metro Manila. Sa 25 ito, 10 ang natukoy sa lungsod ng Maynila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: