SINGLE USE PLASTICS, BILANG NA ANG ARAW

SINGLE USE PLASTICS, BILANG NA ANG ARAW

INAPRUBAHAN na ng Kamara sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang naglalayong tuluyan nang alisin ang produksyon ng single-use plastic bilang solusyon sa plastic pollution sa bansa.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, principal author ng House Bill (HB) 9147 o ang “Single-Use Plastic Products Regulation Act,” nagkaisa ang mga kongresista na tuluyan nang ipasa ito upang mapigilan ang pagkalat ng plastic na nagdudulot sa pagbaha tuwing umuulan.

“The Philippines is one of the world’s top five countries that contribute to plastic wastes causing marine pollution. Thus, it behooves our country to start prohibiting the use and spread of plastics in order to preserve the environment for future generations,” sabi ni Velasco.

Sa ilalim ng HB 9147, unti-unti nang tatanggalin sa merkado ang paggamit ng single-use plastics at dapat ay nare-recycle.

Kabilang sa sakop ng nasabing panukala ang non-compostable single-use plastic products tulad ng drinking straws; stirrers; sticks para sa mga kendi, balloon at cotton bud; buntings; confetti; at packaging o bag na mas mababa sa 10 microns ang kapal sa loob ng isang taon.

Habang ang iba pang single-use plastic products tulad ng plato at saucers; cups, bowls at lids; cutlery tulad ng kutsara, tinidor, kutsilyo at chopsticks; food and beverage containers na gawa sa expanded polystyrene; oxo-degradable plastics; film wrap, packaging o bag na mas mababa sa 50 microns ang kapal, sachets at pouches na multilayered at mawawala na sa loob ngapat na taon.

Sa huli, ang produksyon, importasyon, sale, distribution, paggamit ng plastic products ay pormal nang ipagbabawal.

Sa oras na maging batas, mahaharap sa multang P50,000 hanggang P1 milyon sa sinumang mapapatunayang lalabag.

Leave a Reply

%d bloggers like this: