DRUG LORD NA SI VICENTE SY, NATODAS NA

DRUG LORD NA SI VICENTE SY, NATODAS NA

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na nasawi na ang drug lord na si Vicente Sy sa loob ng New Bilibid Prisons Hospital sa Muntinlupa City dahil sa atake sa puso.

“I have just been informed that Vicente Sy has died… But I still have to receive a formal report about it,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Kinumpirma rin ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesperon Gabriel Chaclag ang pagpanaw ni Sy nitong Huwebes ng gabi sa NBP Hospital bago siya maisugod sa Ospital ng Muntinlupa.

Nabatid na mula sa New Bilibid Prison (NBP), inilipat si Sy sa Philippine Marine Corps BuCor Extension Facility sa Taguig City noong 2019. Nitong Hulyo 27, nakaranas siya ng hirap sa paghinga kaya dinala siya sa Philippine Marine Naval Hospital kung saan siya na-revive at saka ibinalik sa kaniyang selda.

Nitong Hulyo 29, dumanas ng stroke si Sy kaya dinala siya sa NBP Hospital kung saan siya tuluyang nalagutan ng buhay dakong alas-8 ng gabi.

Nabatid na nakulong si Sy sa NBP noong Disyembre 14, 1999. Kabilang siya sa tinawag na “Bilibid 19” na tumestigo laban kay Senador Leila de Lima sa mga kaso sa iligal na droga na kinakaharap ng mambabatas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: