QUARANTINE PASS, KAILANGAN MULI SA MAYNILA

QUARANTINE PASS, KAILANGAN MULI SA MAYNILA

MULING ipatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang ‘quarantine pass’ sa bawat pamilya sa napipintong implementasyon muli ng ‘enhanced community quarantine (ECQ).

Sa inilabas na memorandum ng Manila Barangay Bureau (MBB), inatasan ang mga punong barangay at iba pang opisyal na gumamit muli ng ‘quarantine pass’ bawat pamilya na

magagamit sa pagbili ng pangangailangan nila.

Isa lamang ang ibibigay na quarantine pass kada pamilya ngunit hindi na umano ito kailangang pirmahan pa ng Manila Police District station commander na nakakasakop sa barangay.

Magpapatupad rin ng ‘odd-eve scheme’ sa pamimili ng mga residente upang hindi magkasabay-sabay at magsiksikan sa mga pamilihan.

Bukod dito, maaari lamang makalabas ng bahay ang mga ‘authorized person outside residence (APOR).

Maari ring makalabas ang mga mga walang hawak na quarantine pass kung magpapabakuna at makapagpapakita ng QR codes o waiver na katunayan ng kanilang iskedyul ng pagpapabakuna.

Leave a Reply

%d bloggers like this: