PAGKAKASANGKOT NG MGA PULIS SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA ISANG BABAENG MORO, PINABUBUSISI

PAGKAKASANGKOT NG MGA PULIS SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA ISANG BABAENG MORO, PINABUBUSISI

KINONDENA ni House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pagpatay sa isang babaeng Muslim sa lalawigan ng Nueva Ecija na umano’y dinukot ng at sinunog ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Kasabay nito, hiniling ni Hataman kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagdukot, pagpatay, at pagsunog sa katawan ng biktimang si Nadia Casar, na isang online seller, na umano’y sangkot ang mga awtoridad.

“It is reprehensible to think that those who are supposed to protect and serve the people are the same ones behind this savagery. Sobra itong nakakagalit at marapat lamang na imbestigahan ito ng PNP at papanagutin ang mga may sala,” sabi ni Hataman.

“Hustisya ang isinisigaw ng mga kaanak at kaibigan ni Nadia Casar, pati na rin ng buong Muslim community sa bansa. Hers was a life cut short because of the greed of people, people who are supposed to protect her in the first place,” dagdag nito.

Aniya, base sa natanggap nitong ulat, natagpuan ang labi ni Casar sa Sitio Pinagpala, Brgy. Imelda Valley, Palayan City, Nueva Ecija kung saan nakitang sunog ang katawan nito at nawawal ang pera at alahas nito.

Apat sa pitong nasa likod umano ng karumal-dumal na krimen ang hawak na ng pulisya na nakilalang mga miyembro ng PNP na sina Benedict Matias Reyes, June Malillin, Julius Alcantara at Dario Aligan Robarios.

Habang patuloy na pinaghahanap ang iba pang sangkot na kinilalang sina Rowen Martin, Drextemir Esmundo at Franklin Medina Macapagal, na pawang miyembro ng PNP .

“Madami na tayong reports ng mga kapatid nating Muslim, lalo na ‘yung mga negosyante, na kinikidnap, pinagnanakawan at pinapatay pa. I urge the PNP to investigate the occurrences of crimes perpetrated by wayward members of the police against Muslims. Para matigil na ang ganitong klaseng mga insidente,” giit ni Hataman.

“At sana rin, magkaroon ng malinaw na polisya ang PNP ng anti-discrimination para sa mga kapatid nating Moro, lalo na ‘yung nabibiktima ng human rights violation at profiling. Handang makipagtulungan ang ating tanggapan kay PNP Chief Gen. Eleazar tungkol dito,” dagdag pa ng kongresista.

Leave a Reply

%d bloggers like this: