Viral Video ni Gecolea SAP SA CABUYAO, TINIRA NINA MAYOR AT VICE?

Viral Video ni Gecolea SAP SA CABUYAO, TINIRA NINA MAYOR AT VICE?

ITO halos ang tanong ng daang libong bilang na residente ng Cabuyao, Laguna matapos mag-viral ang isang video kung saan nakitang nagsasalita si Mayor Mel Gecolea sa harap ng kanyang mamamayan.
 
Ang kontrobersiyal na video na may tagal na isang minuto at 14 na segundo ay kuha umano kamakailan lang sa farm ng alkalde sa Road Sala, ng nasabing lungsod.
 
Hindi alam kung sino ang kumuha nito, pero pinag-uusapan na ito  sa buong lungsod na Cabuyao, Laguna na may kabuuang populasyon na 355,330 katao, base sa Wikipedia.
 
Sa naturang video, sinabi ni Mayor Mel sa kanyang Bise-Alkalde na ‘tirahin’ na ang paparating na SAP at pinagsabihan ang kanyang mga supporters na ‘wag ipagyayabang kung bakit sila ay mayroon, samantalang ang ibang taga-Cabuyao ay walang matatanggap na ayuda mula sa pamahalaan.
 
Bago n’yo panoorin  ay nais naming ipauna na bukas ang Banner Media sa kampo ni Mayor Mel para ibigay ang kanilang panig, komento, tugon at reaksiyon.
 
Nakahanda po kaming ilathala  ang kanilang sagot, alang-alang na rin sa patas na pamamahayag.
 
Panoorin at basahin ang ‘transcript’ ng kontrobersiyal na video kung saan ang nagsasalita ay si Mayor Mel mismo:
 
 
Gecolea:
“Ano ang tanong, SAP di ba? Inaayos na? O eh, wag nang bubulong sa iba. Basta TAYO NAKALISTA na. Di ba sinabmit na pangalan n’yo eh, nagkakatampuhan na nga eh.
Eh tayo napano, eh. Oh di ba? Eh basta tayo eh, kung sinabmit na eh. Oh ‘di AYOS NA IYON. Eh iyan pinag-usapan na namin. Ilan ba ng darating? ‘Wag nyo naman ire-rekord na. Palakpakan natin natin ang Vice Mayor.”
 
“Ang sabi sa akin ni Vice. Boss, andami na ngang ano. Ang dami na ngang ano. Eh anong, kanino ba inaano? PUMIRASO na tayo, eh di iyong NASA LOOB natin iyong nagtsatsaga.”
 
“Kaya sabi ko, Vice-Vice TIRAHIN N’YO NA! Eh di mag-submit. Darating eh ‘di ayos. Kayo naman kaya ulit ko sa inyo ay ‘WAG AABUTIN NG YABANG ANO? BA’T KAMI MERON, KAYO WALA? Diyos ko po, MAHIRAP IPALIWANAG ‘yan ‘di ba?”
 

Leave a Reply

%d bloggers like this: