20% DISCOUNT SA BARANGAY HEALTH WORKERS SA MEDICAL NEEDS AT IBA PANG SERBISYO, IGINIIT

20% DISCOUNT SA BARANGAY HEALTH WORKERS SA MEDICAL NEEDS AT IBA PANG SERBISYO, IGINIIT

Isinusulong ni House Ways and Means Committee chairman at Alaby Rep. Joey Sarte Salceda na mabigyan ng 20-percent discount ang mga Barangay Health Workers (BHWs) sa bansa na nakapaloob sa inamiyendahang  Magna Carta for Barangay .

Ayon sa kongresista, inaprubahan ng nasabing komite ang Magna Carta for BHWs, na magbibigay lang sana ng 10 percent discount at VAT exemptions sa medical needs ng mga BHWs.

                Sa panukala, gagawing 20 porsiyento ang diskuwentong ibibigay sa mga BHWs hindi lamang para sa kanilang medical needs kundi para sa iba pang gastusin tulad ng sa pangkalusugan at transportasyon, at puwede rin gamitin sa hotels, restaurants, sinehan, burial at death care expenses.

Ayon kay Salceda, pagkilala na rin ito sa social obligation ng mga BHWs, na karamihan ay hindi naman nababayaran ng sapat sa kabila ng peligro na kanilang sinusulong sa gitna ng pandemya.

Nakasaad sa ilalim ng Administrative Order No. 36 na ang mga nabibigyan lamang ng benepisyo tulad ng special risk allowances ay ang mga BHWs sa mga ospital, laboratoryo, o medical at quarantine facilities.

Ang bagay na ito ang dapat aniyang iwasto ng Kongreso at palawakin para sa kapakanan na rin ng mga BHWs na nagbubuwis ng kanilang buhay sa panahon ng pandemya at hindi kasama sa Bayanihan to Recover as One Act.

“The AO was extremely limiting. It’s not like the BHWs were not at risk when they were just doing contact tracing work or serving those who were quarantined at home. That was not our intention in Congress, and we have to correct it somehow,” sabi ni Salceda.

“The BHWs are the most important component of this granular approach that we are now taking. Without BHWs, this approach will not work. The risks they take are immense. By definition, they are almost always low-income. They deserve a bit of compensation,” giit pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: