DEPED SEC BRIONES, KINASTIGO NG MGA KONGRESISTA

DEPED SEC BRIONES, KINASTIGO NG MGA KONGRESISTA

Binatikos ng Makabayan Bloc sa Kamara si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa pagmamalaking mas bumuti ang education system ng bansa sa kasalukuyang administrasyon gayung nahihirapan ang mga estudyante sa online learning.

                Giit ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, nagtataka ito kung ano ang naging basehan ni Briones na mas mabuti ang sistema ng edukasyon ng bansa sa panahon ng Duterte administration samantalang sarado pa rin ang mga eskuwelahan.

“How can DepEd Secretary Leonor Briones say that the Philippine education system has has improved when schools are closed and both our teachers and students are suffering? Kaya lang naman hindi pa rin ligtas na makabalik sa face-to-face classes dahil hanggang ngayon ay hindi nilalatag ang requirements para sa ligtas na balik-paaralan gaya ng sapat na espasyo para sa distancing at ventilation, water and sanitation facilities, health personnel, at iba pa,” paliwanag ni Castro.

Aniya, bago pa man ang pandemya ay minamaliit, sinasaraduhan ng pinto at ang pinakamatindi ay nirered-tag pa umano ng DepEd ang mga guro na ipinaglalaban lamang ang makabuluhang dagdag sweldo, sapat at napapanahong paglabas ng mga benepisyo at paglutas sa taunang mga kakulangan sa sistema ng edukasyon.

“Ngayong nasa ilalim tayo ng hindi matapos-tapos na matinding surge ng pandemiya, lalong lumala ang sistema ng edukasyon dahil wala pa ring plano at pondo para sa ligtas balik paaralan. Dumami ang kakulangan sa learning materials ng mga kabataan, lalong walang suportang nakukuha ang mga guro mula sa pamahalaan at nanatiling hindi sapat ang sweldo ng mayorya ng mga guro lalo na sa tumataas na presyo ng mga bilihin,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, wala dapat na ipagsaya ang DepEd dahil sarado pa rin hanggang ngayon ang mga eskuwelahan at mga guro at magulang ang nagdurusa dahil sa distance learning.

“Nearly 5 million students dropped out from enrolment as schools remain closed while mothers continue to bear the brunt of distance learning. What is there to celebrate about?” tanong ng mambabatas.

Insulto umano ang pahayag ni Briones sa mga magulang at guro na sumasalo sa dapat ay trabaho ng gobyerno

Leave a Reply

%d bloggers like this: