P10K NI CAYETANO, UMABOT NA SA 10K INDIBIDWAL

P10K NI CAYETANO, UMABOT NA SA 10K INDIBIDWAL

Umabot na sa 10,458 ang bilang ng mga benepisyaryong nakatanggap ng P10,000 ayuda mula sa Sampung Libong Pag-asa na inisyatibo ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyado sa Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso.

Nabatid na 200 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kabilang ang mga barangay health worker (BHW), ang nakatanggap sa programang tinatawag din na “10K Ayuda program.”

Sa bilang na ito, 150 ang pinili sa pakikipagtulungan sa mga pamahalaang lungsod ng Maynila, Muntinlupa, San Juan, at Mandaluyong, samantalang 50 naman ang pinili mula sa nakalipas na Facebook livestream ng programa.

Sinamahan si Cayetano ni Taguig 2nd District Rep. Ma. Laarni “Lani” Cayetano na isang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga BHW.

“Si Lani has really been working hard sa ating mga frontliners, lalo sa nutrition scholars, barangay tanods, at barangay health workers. From the start, ‘yun ang request niya sa akin, dahil ang mga barangay health workers in most areas around the country, dahil kapos o salat sa budget ang ating mga LGUs, ay allowance lang,” wika ni Cayetano.

“Hopefully, itong Sampung Libong Pag-asa (this program) can give some hope or some help to all of you,” dagdag nito.

Bagama’t allowance lamang aniya ang natatanggap ng mga BHW ay mahalagang tulong ang hatid  sa mga doktor at nurse, lalo na ngayong nasa pandemya ang bansa.

“Karamihan ng ating mga barangay health workers ay nananatili na allowance basis, pero hindi matatawaran ang mahalagang tulong nila sa ating mga doktor at sa ating mga nurses, lalo nu’ng tumama sa atin ang pandemya,” sabi ni Rep. Cayetano.

Inilunsad ang Sampung Libong Pag-asa noong Mayo 1 upang bigyan ng tulong pinansyal ang mga indibidwal na lubos na tinamaan ng pandemya.

Pinangungunahan ni Cayetano ang programa na siyang nagsisilbi rin bilang kampanya ng grupo para sa pagkakasama ng P10,000 ayuda sa panukalang Bayanihan 3

Leave a Reply

%d bloggers like this: