PAGBASURA SA FACE SHIELDS, IPIPILIT NI ISKO

PAGBASURA SA FACE SHIELDS, IPIPILIT NI ISKO

INATASAN na ni Manila City Mayor Isko Moreno sa Sangguniang Panglungsod ng Maynila sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang posibilidad na hindi na paggamit ng publiko ng face shields.

“Pinaaaral ko na sa konseho kasi gastos lang yan sa tao eh. Antabayanan ninyo,” ayon sa alkalde.

Inihalimbawa niya na ginagawa lang headband ang mga face shields, tumatalsik kapag nahahanginan ng malakas, habang lalong lumalabo ang paningin ng mga matatanda na dahilan pa ng kanilang pagkadapa, bukod pa sa dagdag na basura na nahahakot sa lungsod.

Kaugnay nito, sinabi ni dating National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Tony Leachon na ilaan na lamang sana ng pamahalaan ang pondo para sa face shields sa COVID-19 testing, contact tracing at ayuda ng mga sektor na higit na nangangailangan.

“We will not be able to get out of this big hole if we will not concentrate on the testing, contact tracings at dapat libre. And then dapat meron ding ayuda kung sakali man magha-hard lockdown tayo na naka-ready na,” giit ni Leachon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: