PRO 3, UMAARIBA SA OPERASYON SA DROGA

PRO 3, UMAARIBA SA OPERASYON SA DROGA

KABUUANG 104 drug personalities ang naaresto habang apat na Chinese traffickers ang napatay sa isang linggong oeprasyon na isinagawa ng Police Regional Office 3, mula September 3 hanggang 9.

Batay sa weekly report na isinumite kay PRO 3 Regional Director, P/Brig. Gen. Valeriano de Leon, kabuuang 74 police operations ang isinagawa laban sa iligal na droga.

Nagresulta ito sa pag-aresto sa 104 drug personalities, at nakumpiska ang 262.59 grams ng shabu na may katumbas na halagang P1.785 million at 16.49 grams ng Marijuana.

Sinabi ni De Leon na lahat ng inarestong drug personalities ay nakasuhan na sa korte.

Samantala, sa joint operation ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency sa Candelaria, Zambales noong September 7, apat na Chinese nationals ang napatay.

Nasabat din sa operasyon ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 billion.

Sa follow up operations sa Barangay Tipo, Hermosa, Bataan, nakumpiska ang 80,000 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P544 million at naaresto ang tatlong Chinese nationals.

Sa kabilang dako, nagsagawa rin ang PRO 3 ng 49 anti-illegal gambling operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 174 katao at pagkakakumpiska ng bet money na P93,356.00

Tiniyak ni De Leon sa publiko na magpapatuloy ang kanilang mga operasyon bilang pagtupad sa kanilang mandato na ‘to serve and protect.’

Leave a Reply

%d bloggers like this: