TAAS PRESYO MULI SA GASOLINA

TAAS PRESYO MULI SA GASOLINA

Maghanda mga motorista.  Muling lalarga ngayong Martes ang panibagong pagtataas sa presyo ng petrolyo sa lokal na merkado na siyang ikatlong sunod na sa bansa.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng pagtataas ay ang Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Eastern Petroleum, at Petro Gazz.

Magdadagdag sila ng P0.40 sa kada litro ng gasolina, P0.35 sa kada litro ng diesel, at P0.15 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ngayong umaga.

Magpapatupad din ng dagdag presyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipatutupad alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay may dagdag na presyo na P0.30 sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel na magiging epektibo alas-4:01 ng hapon.

Muling ikinatwiran ng mga kumpanya ng langis na ang kanilang pagtataas ay base sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

%d bloggers like this: